Sunday, July 22, 2012

Frustration.

Andame kong ganyan sa buhay. What if hindi ko ginawa to? What if nag-aral pa kong mabuti? Paano kung sumama ko? Paano kung um-oo ako? What if tinuloy ko? What if lumipat ako? Paano kung di ko na lang binili yun? Paano kung.. What if?? AAAAAAAAHH.

Yan ang panira sa buhay e. WHAT IF. It leads to frustration. "Sana pala ganto na lang.."
"What if tinuloy ko nga edi sana.."
Isa pa yang SANA na yan e. Nasa huli talaga ang pagsisisi.
Kasi naman bago gumawa ng decision, mag isip ng mabuti. Tama ba to? May mga instances kasi na mahirap talaga e. Lalo na pag napakahalaga. Minsan ansarap pumili na lang ng basta basta tapos tsaka ka na magsisi pagkatapos. Paano kung hindi ako tumanggi sa mga alok nila dati siguro.. AAAH! Isa pa ulit yang SIGURO na yan. Andaming pagsisisi. Andaming sana, andaming what ifs. Dapat di na yan iniisip e. Dapat gora lang ng gora. Di titigil ang life kapag tumigil ka. Ikot lang ng ikot yan, mapagiiwanan ka. Wala ng lugar ang pagsisisi. Tapos na yun e. Bulok na yun. Sasakit lang puso mo, ang kalamnan mo, ang katawan mo ang buong pagkatao mo kakaisip at sa frustration. Mahirap oo pero kaya yan. Tiwala lang.

"Kaya yan! Kaya yan! Kaya yan!"