Monday, April 30, 2012

Ang may ari ng blog na ito..

Hindi ako naniniwalang mataba ako, chubby lang. :)

TARAY. 

With my no. 1 mom. <3

Feeling drummer. W/ my brother.
Mga kulang kulang kong brothers. Hahaha.

Bunso. <3 <3 <3


Prof. pic sa fb. Hmmm. Hahaha



Sabi ko dapat same expression kami. =))



Most of my pictures may kasama. Meron akong mga solo, kaso prom yun, AYAW. 
Wala namang pumipilit diba.. Hahahaha

PEYBORITS...uso to diba.

Favorite food. Hindi pwede, masyadong madami.
Favorite color. Lahat pano yun?
Favorite music/bands/singer. Paulit-ulit. Kasawa ang dami pa.
Favorite tv show. Depende e.
Favorite gawin.. umm.. sige, maaari.

Pero gawin nating, mga gustong gawin. Wag ng peryborits, di na pala uso sakin yun.

          MGA GUSTONG GAWIN O PLANO SA BUHAY. Sige, samahan niyo kong magplano..


*Sat totoo lang, hindi ako planadong tao, ayoko nga ng nagpapalano e. Maganda kasi pag "unexpected/come what may". Pero ito lang naman ang mga gusto kong ma-accomplish sa buhay.*



  • Magkaron ng M.D sa unahan ng pangalan, maging doktor o surgeon. HEYEP DIBA? Kaya nga medtech ang kinuha ko e, sana makapagproceed.
  • Magvolunteer sa mga outreach program na ako'y isa ng doktor. Sabi ni mama, hindi ko naman hangad ang pera e, kung yan ang gusto mo, kahit pinag-aral kita at hindi ka yumaman kagaya ng sana na gusto namin, e okay lang, kung yan ang gusto mo. Ang makita kang nakakatulong sa kapwa ay sapat na samin.   --drama ni Mudra no. eniweys..
  • Magkaroon ng outreach programs/ mag donate/ magtayo ng donasyon/ tumulong.
  • Kumanta sana, tumugtog sana.
  • Ma-travel ang buong pamilya sa kung san-san. Ang daming gustong puntahan at gawin nina Mama at Papa. Sila na bahala sa portion na to
  • Magtravel sa kung sansan. Para sakin naman to.. ayan. Ilocos, Cebu, Tawi-tawi (ewan ko kung bakit dyan), Paris, London, New York... wooosh.
  • MAGKAROON NG BEDROOM NA GUSTO KO ANG DESIGN NG KWARTO!! Ito talaga. HOOOO.
  • Damit ang shoes. Material things na to.. Understood niyo na.


Yon o, ang dami pa. Yan lang ang nasa isip ko ngayon..

Totoo to, gusto kong tumulong. Kasi kaya nga tayo binibigyan ng sobra e, para sa iba. Kaya tayo binibigyan para i-share.


Imagine na lang kung lahat tayo sa mundong to ay nagtutulungan.. sarap sa feeling!! =)))


Eto na, PAGBABAGO.

So nagbago pala ang blogger kaya nalilito ako. Ohwell, change is the only thing in this world that is constant. (Ayon nga sa quote ng somebody..)

Katulad ng blogger, nagbago na din ako. Binura ko lahat ng posts ko at nagsimula ulet. BAGONG BUHAY, ika nga.. Magco-college na rin kasi ako. FEU nga pala ata ako. Hinihintay ko pa kasi ang result ng recon sa UP MANILA, e kaso pa-special sila. Sa end pa daw ng may lalabas, sa bagay, special naman kasi talaga. Feu na lang, at least scholar ng kalahati.

COLLEGE. Ang dami ng nagkwento, nagsermon at nanakot sakin tungkol dyan. Feeling ko nga alam ko na sa dami ng sinasabi nila. Sa totoo lang, natatakot akong manibago. Ang hirap kasi ng simula e. Sa simula, wala ka pang kilala, iba ang schedule, iba ang subject, iba ang kaibigan, iba ang guro, iba ang classmates at iba ang school. IBA talaga. Bago nga..  Tapos dito, mas mature na ang isip. Hindi pwedeng pa easy easy. (Siguro depende sa course mo no..?)

H-a-s-s-l-e.